Namimiss ko na maging student.
Yung nagbabayad ng 6php sa jeep.
Yung nagising ng madaling araw para karirin ang pagrereview para sa midterms at final exam.
Yung naglalakwacha sa SM araw2 pagtapos ng klase.
Yung paghingi ng baon.
Yung mga gasuhan pag vacant time.
Yung mga tropa na walang kasing imba.
Yung pangongopya ng answer sa katabi pag walang maisagot sa exam.
Yung hands on na nagpapaunahan makapagparun ng program.
Yung mga prof na hnd ako ibinagsak.
Yung panahon na nagtitisis na sana e nagprogram ako para maalam ako sa programming.
Yung time na pinaparte ang rereviewhin at mangongopya sa katabi nung nireview nila.
Yung time na papasok ng late.
Yung papasok taz makikipagdaldalan lang sa kaklase habang nagtuturo ang mabait na prof.
Yung kumakaen pa sa oras ng klase.
Yung walang kamatayang recitation na hindi masagot sagot.
Yung mga events sa school na kahit kailan hindi ako naging aktibo.
Yung mga taong plastik na akala mo anghel. Yung pagsimoy araw2 sa crush.
Yung mga tambay moment. Yung pagkain ng adobo sa bahay ng groupmate ko.
Yung high heels kong black shoes at green na uniform. (green uniform since high school)
Namimiss ko ng sumayaw. :)
Yung marimba at lyre.
Yung pagsama sa parada.
Haays. Magenroll kaya ulit ako? (:
Kung dati kasi pag walang pasok, MASAYA. Ngayong employed ka na, pag wlang pasok, walang sahod. DAMN!
Post a Comment