Yey! Estudyante na muli. Hahays. Bilis ng panahon noh. Nasa ika-apat na taon na ako sa kolehiyo. Parang kahapon lang nagiinquire palang ako sa sintang paaralan pero maya maya lang, nagdedefense na ko ng system. Bukas makalawa nasa SM na ko tinatanggap ang katibayang ako'y nakatapos na. Oo, tama sya. Sa SM gumagradweyt ang mga estudyanteng tumuntong sa aking sintang paaralan. Hehe :)
Napakaganda nga naman ng skedyul ng aking aking klase ngayong semestre na ito. Akalain mo nga namang dalawang araw nalang ang ipapasok ko sa aking sintang paaralan?? Haha. Martes at Sabado. Dalawang araw sa loob ng isang linggo. Dalawang daan sa loob ng isang linggo din kaya?? Paano na ko makakaipon nito?? Haha. Kung tutuusin, wala ng matitira sa babaunin ko sa isang araw dahil buong araw akong nakaistambay / nakikinig ng klase sa unibersidad. Hanggang gabi pa. Dun na rin ba magdadaos ng hapunan?? Haha. Wala na ring oras para gumala. *Yun yun e*
Dahil don, *sa napakagandang iskedyul* maraming nagbabalak maghanap ng trabaho. At isa na ako don. :) May plano, pero parang ayoko. Tambay ako 5 araw sa isang linggo. Sapat na para magtrabaho ako ng regular saan ko man maisipan. Regular. Malamang hindi ako makaliban sa trabaho kung sakaling magroon ng klase sa araw na maisipan magturo ng ibang propesor. Ewan ko ba. Ganun na kasi ang mga naranasan ko sa paaralan. May mga araw na hindi naman sila dapat magturo, nagtuturo sila. Hay. Sa bagay, dagdag kaalaman din yun. :) *i understand*
Isa pang dahilan kung bakit ayaw ko? Kasi ayoko magpaimportante sa mga kagrupo ko sa tisis. Baka kasi isang araw, mag-gawaan kame, kaso hindi ako makasama. Hmm. Hindi naman ganun kahalaga ang presensya ko *I THINK :)* pero syempre, yung suporta sa programer at kung anu anu pa nuh. Haha. Hindi lang naman basta basta yun e. :) hahays. Nakakagulo ng utak. Pero hindi ko naman masyado iniisip yun sa ngayon. May posibilidad kasi na magbago pa yung napakagandang iskedyul na yun e. Sa loob ba naman ng tatlong taon na pag aaral ko sa unibersidad na iyon, wala pang tumama sa iskedyul na nakalagay sa registration form ko. :) Meron naman kaso madalas nagbabago. Kaya anung malay ko, magkaron ako ng klase pag Lunes o kaya Miyerkules o di kaya naman ay Biyernes. Haha.
Meron din namang mga dahilan kung bakit gusto ko magtrabaho. Since kapos na ang aking pamilya sa gastusin sa bahay, nais kong makatulog, este makatulong. *actually typo, hindi ako nagcrack ng joke. :D* Hehe. So ayun nga, my daddy's salary is not enough na. Sa electricity, water bill, groceries palang, kulang na. Bukas makalawa nga mapuputol na ang internet connection sa bahay. Hindi ako sang-ayon pero wala akong magagawa. Hindi namin kaya magbayad ng isang libo bawat buwan. Malaki rin ang naitutulong ng internet saken kase takbuhan ko sya talaga pag may prublema ako. *Google is my bestfriend. :)* Takbuhan pag may gusto akong sabihin na hindi ko masabi sa mga kaibigan ko. Ang laki ng tulong nya nung mga panahong nagtitisis ako. Marami na kong natutunan. Pati nga yung ilang video ni Hayden, napanood ko na e. :) Haha xD Pwera biro! :) Pero walang wala na talaga. Pero ayos lang. May mga bad effects din naman para sa mga kapatid ko. Inaabuso na nila masyado. *Parang ako hindi abuso ah. Haha xD* So ayun nga. Hehe. Nobela na ahh.
Hmm. So far, yan palang naiipon kong rants. Iniipon ko na. May mga oras kasi na tinatamad talaga kong magblog. :) Oh well, till here. I'd better eat my dinner na. Almost two hours na naman ako nagtype ng rants e. :)
no PS(s) for today. :)
Labels: Daily Ramblings, RANDOM, Tagalog Posts |
Post a Comment