Sigh! Months, weeks and days passed, our windows application is still not connected to our database. And the thing is, from this time on, we only have 4 days left before the mock defense. Lintek!
DEPRESSED
Hanep ang score ko sa quanti. Mukang ibabagsak ko pa yung subject na yun ah. Amf. Hindi na ko pumasa sa mga quiz nya. Tapos yung quiz kanina, pamatay na naman. Wala ba talaga syang balak magpasa ng mga students? Miski nga yata mag aral na talaga ko ng dibdiban hindi ako papasa e. Amf~
STRESSED
Error 26, Error 40, executeNonQuery not initialized. Amf na mga errors! Badtrip! Simula palang ng connections mali mali na. Ang shunga! Nahihirapan na ko aralin. Haay. Hindi ko alam kung paano na gagawaing paraan sa mga ganun. Waaaa. Eto na, sira na kinabukasan ko sa pagiging IT. Hindi talaga siguro ako para dito.
EXHAUSTED
Sawa na ko mag aral. Parang wala na lagi sa mood. Gusto ko na agad makagraduate. Pero sa lagay ko na ganito, malabo! Malabo pa sa kolor ng mud *putik*. Nakakasawa makakita ng COMPUTERS. Feeling ko lagi kelangan magprogram. Amf. Pero ano? Eto, andami ko ginagawa kasi kelangan ko mag-aral. Amf. Naguguluhan na ko! X(
BOTHERED
So ayun, 4 more days to go before the mac defense. Madali lang magpolish ng mga documentations e. Ang mahirap yung magcode at magconnect sa database. Look, 2 weeks left, pede na ko magenroll as fourth year student. Pero mukang bawal pa kasi may possibility na magfail ako sa tatlong major subject. Lintek na thesis! Tatlong subject ang may requirements sa kanya! Haaay buhay!
Oh well anyways, though my post is SO SUPER NEGATIVE, theres still a part of me na POSITIVE din naman. I'm hoping na magawa na namin yung mga nakapila na gawain. AYOKO MAGREPEAT NG THIRD YEAR SECOND SEM NEXT SCHOOL YEAR! I MUST GRADUATE ON TIME! *Hanep na sa sobrang positive nun* :)
Think positive! Wag kang aayaw! :D Till here ~ :)
|
Post a Comment